Sa loob ng anim na taon sa corporate world, I lived by one rule: Control the system, or the system will control you. Bilang isang crisis "fixer," trabaho kong linisin ang dumi ng ibang tao. My life was a series of polished pixels, a perfect digital facade that hid the "dirt" and wrong decisions of my past.
"Elena, hindi pwedeng hindi mo ito tatanggapin," sabi ng CEO habang nakatingin sa akin nang diretso.
Chinek ko ang relo ko. 9:00 AM. Eksakto. "I don't do partnerships, Sir. Lalo na kung ang makakasama ko ay isang freelance investigator na walang sinusunod na rules," sagot ko.
"He’s the best, Elena. At ngayon, pati ang reputation mo ay nakasalalay na rin dito," counter niya.
Eksaktong pagkatapos nun, pumasok siya sa room nang walang katok. Si Dante. He looked like a mess, pero yung tipong sadya. Gulo-gulo ang buhok, lukot ang polo, at may dala siyang kape na mukhang kanina pa malamig. He was the "Soul" to my "Systems," intuitive at dangerously messy.
"Nice office," Dante smirked, his eyes scanning the room until they landed on me. "Masyadong malinis. It feels artificial".
Ramdam ko agad ang sting ng mga salita niya. "It’s called being professional, Dante. Baka gusto mong i-check yan sa dictionary".
"Professionalism is just a mask para sa mga taong takot magpakita ng unfiltered side nila," sabi niya habang lumalapit sa akin. "And I can see right through your pixels, Elena".
Ang bigat ng tensyon sa loob ng kwarto, halos hindi ako makahinga. We were being forced to share a small, remote office for the next 30 days para ayusin ang isang kaso na pwedeng sumira sa aming dalawa.
"Thirty days," bulong ko sa sarili ko.
"Thirty days of truth, Elena," bulong din ni Dante pabalik. He leaned in just enough para maamoy ko ang scent niya na parang ulan at lumang libro. "Let’s see kung kaninong system ang unang bibigay".
0 Comments